Ang tatlo sa pinakamagandang nangyari sakin mula sa araw ng Disyembre kinse hanggang ay huli ay paggising sa umaga, pagpasok sa eskwelahan, at ang pag gunita ng pasko at bagong taon.
Una, ang paggising ng umaga. Ikaw ba ay nagtataka kung bakit ko napili ang paggising ng maaga? Bagama’t ito ay isang mahalagang bagay na unang una mo dapat ipasalamat sa ating Diyos sapagkat hindi mo malalaman kung ikaw ay magigising pa sa mga susunod na araw. Ipinapakita lang ng Diyos na ikaw bilang tao ay hindi pa huli ang lahat upang maging mabuti. Ginigising ka ng Diyos tuwing umaga kasi ikaw ay layunin pa sa buhay. Hindi mo pa oras mundo at ikaw ay lalakbay pa. Kung ikaw ay hindi na magising, ito ang pinakamalungkot na nangyari sa iyong buhay sapagkat kinuha na ito ng Diyos at kailangan mona mamaalam sa mundo na iyong ginagalawan. Kaya naman tayo ay gumawa ng mabuti upang hindi masayang ang mga pagkakataon na binibigay satin ng Diyos.
Pangalawa ay ang pagpasok sa eskwelahan. Alam naman nating lahat na ang pagpasok sa eskwelahan ay isang bahay na kailangan ng tao sapagkat ang pagkakaroon ng edukasyon ay magiging armas mo upang makipagsapalaran sa mundo, makipagsabayan, at makipagkomunikasyon. Ang pag aaral ang iyong magiging armas tungo sa matagumpay at masagang buhay pero pag ikaw ay nagtagumpay at nabigyan ng maraming biyaya, ikaw ay matutong magbigay at tumingin sa pinanggalingan.
Pangatlo at ang huli, ang pag gunita ng pasko at bagong taon. Isang beses lang sa isang taon ang pasko at bagong taon kaya naman ito ay ipagdiriwang. Hindi lang ito basta selebrasyon kundi ito ay ang kaarawan ng ating tagapagligtas na si Kristo. Sa araw ng pasko hanggang bagong taon, tayo ay matutong magbigayan at magpasalamat sa ating Diyos. Tandaan, maliit man o malaki, mahal man o mura ang regalong natanggap mo matuto kang matuwa sapagkat ito ay kanilang pinaghirapan.
ANO ANO MGA BA ANG NAGAWANG MABUTI SA DALAWANG LINGGONG ITO?
Una ay ang pagbigay ko ng mga direksyon sa aking kaklase. Ang aking kaklase ay may gustong puntahan na lugar ngunit hindi niya alam kung paano makapunta dun kaya naman ako ay dali dali siyang binigyan ng mga direksyon at mga stratehiya para makapag commute agad. Pangalawa, nagpahiram akong laptop sa aking kaklase na nangangailangan para sa kanyang pag aaral. Pangatlo, tinulungan ko ang kapatid na babae na gawin ang kanyang takdang aralin. Pang apat, tumulong ako sa nanay ko na mag hugas nung pasko kasi maraming hugasin. Pang lima, ipinamigay ko na ang aking mga lumang damit sa mga nangangailangan at ito ay nagsilbing regalo ko sakanila noong pasko.